Home

Advertisement

Prakatakadugodugudug. [entries|archive|friends|userinfo]
betongski

[ website | friendster ni betong ]
[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

balik-loob. [Dec. 28th, 2008|11:17 am]
[Current Music |dani california - red hot chili peppers]

meri krismas at hapi nu yir sa lahat.

ang dami nang naging kaganapan mula nung huli akong sumulat dito. grabe, napakabilis ng mga pangyayari sa napakaiksing panahon.

masaya ako ngayon dahil bukod sa panahon ng taglamig at oras para makasama ang pamilya, buhay na buhay ang lovelife ko at napakasaya sa trabaho.

di parin ako makapaniwala ngunit sa wakas, matapos ang matagal-tagal na pag-aantay, na-promote na din ako bilang isang team lead. yehey!

at nung inakala ko nun na hindi aabot sa gusto kong marating kasama si zel, eh dun na din papunta.

saya noh?

napakabait sa akin ng Diyos nitong buwan. napakagandang regalo para sa aking kaarawan at pamasko na din.
Linkreact ka?

mga naiisip. [Nov. 30th, 2008|09:19 am]
[Current Music |if i am - nine days]

buhay-kalusugan
ang daming oras sa kamay ko. gusto ko ulet mag full-time sa sports. gusto ko subukan mag frisbee. or bumalik sa pagbabasketball.

TL mode
wala nang pressure sa part ko dahil wala na ako sa team ni billy para i-back up niya ako. nasa accenture na si francis, si ceasar naman nasa alabang at malamang mas gugustuhin niya i-endorse si vaves. yung bago kong boss, si lorese, si jonee naman ang bata niya. wala nang pressure sa 'kin maliban na lang sa dapat kong ayusin stats ko dahil alam kong di ko rin naman kailangan ng endorsement. pababayaan ko na lang ang credentials ko at performance ang magsalita.

salvation army
malapit na lumabas yung 13th month. ayos! makakabili na rin ako ng bagong damit.

ako muna
natapos ang buwan nito na hindi maganda. hindi eto yung inakala kong magiging katapusan ng november kasi napakasaya nung nagumpisa. ang daming nangyari. tinopak na naman yung nanay ni aj, tas sa kaka-OT ko, hindi ko masyado nakita mga kaibigan at pamilya ko. nagkaroon kami ni rai ng tampuhan, at di ako nakapunta sa birthday ng mga inaanak kong kambal kay ace. nagwatak-watak na ang team ceasar. nagmahal ako ngunit nauwi sa pagkabigo. ouch! naisip-isip ko, ngayong december, bago matapos ang 2008, sarili ko muna aasikasuhin ko. ako muna.

hello 2009
napakarami kong naranasan at natutunan ngayong taon. pagpasok ng 2008 hindi ko inakalain na magiging ganito. ngi isang beses hindi ko talaga naisip. hindi natuloy kasal ko, hindi ako napromote, hindi natuloy yung banda ko. pero may pag-asa pa ang lahat ng ito. hindi na ko kelangan magmadali. pero grabe pala, di ko rin naisip na napagdaanan ko lahat 'to at ngayon buo pa rin ako.

10 years ago
my grandfather passed away on november 29, 1998, after battling cancer. lolo, you will never be forgotten. i love you.
Linkreact ka?

the little girl with the pretty eyes. [Nov. 29th, 2008|05:17 am]
[Current Mood | super lungkot]
[Current Music |love is a losing game - amy winehouse]

lahat naman siguro ng nangyayari, may nakatakdang panahon.

tulad na lang ng matutunan mong magmahal ng taong hindi mo alam kung meron bang kahit katiting na nararamdaman para sayo.

ang sakit din pala. sobra. mas masakit pa pala kesa sa iwan ka ng taong matagal mo nang kasama.
 
wala namang ibang tao na nakakaintindi o nakakaalam man lang na matagal ko na din tinatago yung nararamdaman ko para sa kanya. itinago ko dahil napakaraming pangyayari nun na hindi maiwasan at naisip kong mas nakakabuti para sa akin na itago yun.

wala akong pinagsisisihan. kasama lahat ito. pati yung sakit. pati yung pakiramdam na nadudurog yung puso mo. hindi ako puwedeng magpadaig dahil alam ko na pag nangyari yun, baka kung saang kangkungan na naman ako pupulutin.

mahal kita, zel, hindi mo lang alam. paalam.

------------------

chopsuey ang nararamdaman. halo-halo. mamaya masaya. ngayon malungkot. ewan..

andiyan lang sa tabi-tabi yung isla fisher ko. yung victoria beckham ko. wag ka mag-alala, at lalong wag ka maiinip ha.

makikita din kita.

sa ngayon, kelangan ko muna siguro magpakalulong sa trabaho ko. i-text at makipagkita sa mga tunay na kaibigan. makita ang pamilya ko. at higit sa lahat, magbigay ng panahon sa sarili ko.

tsaka ka na muna, ha, aking puso. pahinga ka na muna. di na kaya eh. pasensiya na talaga. wala pa tayong nakikita eh. kailangan na natin manigurado, mahirap na. sa ngayon eto na lang muna, tayo muna at walang iba.

pahinga muna.

Linkreact ka?

sana hindi. [Nov. 24th, 2008|02:16 pm]
[Current Music |you should know by now - angela bofill]

napakabilis ng pangyayari. di pa nakukumpirma, pero sana hindi. sana hindi talaga.

nagpunta ako sa eastwood md clinic sa (ahem) eastwood cyber mall para ipatingin yung namamaga kong paa. medyo masakit na siya nung friday pa lang pagkatapos maglaro, at simula nun eh paika-ika akong naglalakad. nagdesisiyon yung doktor na ipa-xray yung right foot ko, at sa wednesday pa malalaman ang resulta.

posibleng fracture daw.

ang labo nga eh, nararamdaman ko medyo masakit nga pero hindi ko alam na ganun na pala. kung hindi pa nakita ng housemate ko na namamaga na yung paa ko, hindi ko pa maiisip na magpakonsulta.

waaaaah.

Linkreact ka?

super weekend. [Nov. 24th, 2008|11:10 am]
[Current Music |boy - timmy cruz]

masaya pa din ang naging kinalabasan ng sabado at linggo ko kahit na madaming naging dahilan para mabuwisit ako.

maganda yung linaro ko nung friday, kaso as usual, wala pang limag oras yung tinulog ko kaya pagod na naman ako pagpasok sa opisina. bukod dun, ang sakit ng paa ko. di ko alam kung bakit. siguro dahil hiniram ko lang yung sapatos na ginamit ko. ayan, tatamad-tamad ka kasi. magdadala lang ng gamit panglaro iaasa mo pa sa iba. gunggong.

kaya ngayon parang may pilay ata ako sa kanang paa.

nakapagtala ako ng apat na oras na rest day OT nung sabado ng umaga. nakatulog ako sa opisina at mga alas kuwatro na ata ako nakauwi. ayos.

ayoko na lang muna isipin yung mga problema ko dahil di naman din kalakihan ang mga iyon. bukod sa drama ni bianca at sa hindi pagsunod ni rai sa usapan namin, wala naman na akong ibang pinoproblema. ah, oo. yung tv ko at songbook nasa greenpark at madali naman siguro kunin yun. at yung sa trabaho, kahit na ayokong iwan ang CRU dahil gusto ko na maging team lead, mas makakabuti sa aking mga planong pang long term na ma-promote na. ok na sana ako sa team ko ngayon, masaya, magulo, tawanan, kuwentuhan, kulitan, walang stress, wala masyadong pressure. di ko nararamdaman yung bigat ng trabaho. umuwi man akong pagod, hindi mabigat yung pakiramdam ko.

inisip kong dumalaw sa lola at mga pinsan ko kahapon kaso di ko kinaya yung sakit ng lintik na paa ko. kaya mas minabuti ko na lang na manatili dito at magpahinga. masaya pa din dahil natutuloy ko pa din yung exercise at healthy diet program ko. yehey!

siyempre, di ko naman itatanggi na may nagpapasaya sa akin. grabe. inlab na naman ako.

itong padating na weekend, mukhang puno ulit ang schedule naten. mahabang weekend dahil wala kaming pasok sa huwebes at biyernes dahil sa thanksgiving sa US. may lakad ako sa thursday. magkikita kami. tas birthday ng mga kambal ni ace sa friday, at swimming naman ang gimik namin ni aj sa linggo. good vibes!

lakas ng trip namin dito sa bahay ni chris at jesh. sound trip. opm. 1970's at 80's. mga tipong gino padilla, boyfriends, ric segreto, regine velasquez, dina bonnevie, dingdong avanzado. at si timmy cruz. haha! wala nang mas gagaling pa kay timmy cruz.
Linkreact ka?

kaTANGAhan. [Nov. 15th, 2008|11:25 pm]
[Current Music |all you wanted - michelle branch]

ilang beses ba ko pwede maging tanga sa iisang araw? tang ina. bwiset. ang tanga mo, betong. ang tanga tanga mo. promise. forever tanga ka.

wala na talagang sasablay pa sa mga text mo. olats.

tangatangatangatangatangatangatangatangatangatangatangatangatanga.
Linkreact ka?

pagod at saya. [Nov. 14th, 2008|06:53 pm]
[Current Music |you and me - lifehouse]


nakakapagod. dalawang linggo na kong hindi nakakatulog ng maayos. hindi ko naman alam kung bakit. pero pagdating sa trabaho, dun mo naman ako madalas makikitang nakapikit ang mata, nakanganga ang bibig. grabe.

masaya ako dahil sa unang pagkakataon, nadiwang namin yung kaarawan ni aj ng kaming tatlo lang at hindi kami magkaaway ni lyn. sa mga pangyayari, sana eh tuloy-tuloy na yung pag-iisip namin na maging maaayos na magulang para sa anak namin. bagamat mas ok na rin na magkaibigan na lang talaga kami ng nanay ni aj, eh ang importante eh pagdating sa bata ay tag team kami. 

masaya din ako ngayon sa isang hindi maipaliwanag na dahilan. sabi nga ng mga katrabaho ko, kahit na palagi akong pagod, napakasaya daw ng aura ko ngayon. hmmm?

alam mo naman kung sino ka na nagpapasaya sa akin nitong mga huling araw na 'to. tenkyu.
Linkreact ka?

diet muna tayo. [Nov. 9th, 2008|05:27 pm]
[Current Music |echo - incubus]

nakita ko kahapon si aj. meron siyang measles, pero makulit pa din, sabi ng tita ko na doktor nya eh baka next week pa lumabas yung lagnat. ayun, tuwang tuwa dahil may bago siyang tuta. magkamukha na sila.

ang sarap magkaron ng isang matalik na kaibigan/kapatid/kakampi/ka-kosa/kumpare na sinasabi sa iyo ang totoo kahit na alam pa niya na masasaktan yan. para sa kin isa yan sa mga pagsukat sa lalim ng pinagsamahan niyo. bago ako dumalaw kay aj, eh tumambay ako sa puwesto nila ryan sa may commonwealth market habang hinihintay yung mag-ina. bagamat saglit lang ang aming pagkikita ni rai, eh ang dami naming napagusapan. ang dami na palang nagaganap sa buhay niya simula nung huli kaming nagkita last weekend, nung naglasingan kami dito sa apartment. ayos.

rai: bro wag ka nang hihinga.
ako: bakit?
rai: (tumuro sa sexy abs ko)
ako: huh?
rai: ang laki na nyan eh! para kang pulis.
ako: shet! talaga?
rai: tignan mo sakin, napaliit ko na nga eh.
ako: onga no.
rai: pangit, bro. pogi ka nga laki naman tiyan mo.
ako: haha. oo na na-gets ko na.

eto dapat itsura ng katawan ko by summer next year. )


 

 

Linkreact ka?

celebrity status kuno. [Nov. 7th, 2008|08:31 pm]
[Current Music |sugar - tonic]


matagal ko na din napagaisipan na ganun pala talaga sa kahit sang opisina. pag-uusapan at pag-uusapan ka ng mga tao. ako, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nabubuhay ang tao sa pagkukuwentuhan tungkol sa buhay, ugali, pangyayari, at lalo na sa mga personal na bagay tulad na lang ng lovelife ng isang tao. naiintindihan ko kung kaibigan mo ang mga iyon, pero kadalasan eh hindi ka naman din kilala nung mga taong yun.

minsan iniisip ko rin kung bakit napakadali ko para bumati sa taong di ko naman kakilala o kaano-ano. samantala dun sa mga nakakakilala sakin, palabati daw ako. dun naman sa mga hindi ko kaibigan, suplado daw. eh ano ba talaga? siguro tama nga, hindi talaga lahat ng tao ay mapapasaya mo. meron at meron ding eepal. haha.

inaakala siguro ng ibang tao na masaya o cool o astig yung pinaguusapan ka at hinihimay-himay yung buhay mo (kesyo chismis man o totoo). kung ano ano na ang mga narinig ko tungkol sa akin simula nung una akong nagtrabaho hanggang sa pinapasukan ko sa kasalukuyan. bakit ba napakaimportante malaman ng taungbayan kung sino nakakasama ko? aba, kung taga opisina yan, mas buhay na buhay ang chismisan! shet! 

mas nakakatawa naman yung mga nakakakilala sa 'kin. tila pinangungunahan ka na kahit na di pa man humahantong sa kahit ano at alam mo naman na masaya ka at dinadahan-dahan niyo lang ang mga pagkakataon dahil wala namang lakad at hindi naman kayo nagmamadali, eh hindi pa kayo nakakarating sa dapat puntahan eh andun na silang lahat at nagsisigawan pa sa tuwa. hahahahaha. ang kulit lang. susme.

ang saya talaga ng buhay.
Linkreact ka?

asa ka boi. [Nov. 4th, 2008|06:12 pm]
[Current Music |ikaw lamang - silent sanctuary]


magaling. ubos na ang mga leave ko, so ibig sabihin, hindi mababayaran yung apat na araw kong hindi pinasok dahil sa sakit/pagod/katamaran. so malamang, kung tatansiyahin ko na yung seswelduhin ko nitong tuesday, eh kulang-kulang mga 4k (ubo ubo) yun. tang ina. aanhin ko yun.

ayos lang, steady pa rin. ala tayong magagawa diyan, ganyan talaga eh. kaya nga pala nila sinasabing mahirap magkasakit. bawal magkasakit.



Linkreact ka?

Hmmmm......... [Nov. 3rd, 2008|06:48 pm]
[Current Music |Miss Independent - Ne-Yo]


Hay. Kailan ko kaya makikilala yung Isla Fisher ko.



Comedienne si Isla (tamang pagbigkas ay Ay-la) na taga-Australia. Mapapanood nyo siya sa pelikulang Wedding Daze kasama si Jason Biggs. Siya din yung gaganap na bida sa Confessions Of A Shopaholic na papalabas next year pa. At, maniwala man kayo o hindi, asawa siya ni Borat aka Ali G. aka Sacha Baron Cohen.
Linkreact ka?

naka unlitxt ata ako. [Nov. 1st, 2008|07:19 pm]
[Current Music |girl on tv - LFO]


natutuwa ako para sa kaibigan/housemate kong si chris. ngayon ko lang siya nakitang palaging masaya, nakangiti, at punong-puno ng buhay. nagmistulang zombie na nun eh (paborito niya yun) matapos sila maghiwalay ng girlfriend niya na limang taon niyang nakasama.

hindi naging maayos ang paghihiwalay nila. halos pareho rin ng mga pangyayari sa paghihiwalay namin ni armi jillian. pagkatapos nun, talagang nagwala si chris. kuwento nga ni jesh, ukng san san nagpupunta, palaging umuuwi ng lasing, at iba-iba ang kasamang babae.

ngayon ok na siya. masaya ko dahil may nagpapasaya na kay chris. dahil alam kong matinong tao siya at nararapat lang na maging masaya siya sa piling ng isang babaeng matino din. oo, marami ring kalokohan si chriscake, lahat naman ng lalaki eh. pero matino yang tao.

masaya ko pero paminsan-minsan naiinggit din ako, lalo na pagpumupunta dito si jef (pangalan ng gf niya). may naaalala din kasi akong jef. hayyyyyy. 

--------------------

pagkauwi ko galing singapore last year, bumalik ako sa amex. hindi ako pinayagan makabalik sa U.S. account, dahil sa higpit ng pulitika, so linagay nila ako sa australian corporate. dun ko nakilala si jef. alam kong hindi kayo maniniwala, pero hindi ko rin labis na maunawaan kung ano ang naisip niya at nag-call center siya. hindi kami magka-batch. nauna siya ng mga dalawang linggo. una kong nakilala yung best friend niya na si cee-jay. nagkataon lang din na may kilala kami pareho na common friend, so ayun. ramp at commercial model siya. dahil na rin sa respeto, di ko babanggitin kung ano yung mga ad kung san siya lumabas.

hindi kami nagpapansinan nung umpisa ni jef. parang ang suplada eh. first impression ko pa sa kanya nun, isnabera talaga. hindi kami magkakasundo nito, mukhang maarte. conyo. shet. pero tangina, ang ganda ah. artista ba 'to? model? seryoso, ang ganda talaga. kahit san pumunta 'to pinagtitinginan talaga ng tao eh. wala din naman akong ibang binabalak, dahil nung mga panahon na yun eh kami ni armi. at panigurado naman may boypren tong si jef. pupusta ko limang daliri ko sa kanang kamay na may bf 'to.

hindi kami napakilala ni cee-jay sa isa't-isa. nagkataon nun, papasok ako at palabas siya, so napagbuksan ko ng pinto nang 'di sinasadya. ngumiti tas nag thankyou. wow. shet, natunaw ako. tangina. mukha siguro akong gago nun. di man lang ako nakaimik. imbis na maayos, ngiting aso pa ata yung napakita ko. di rin ako nakapagsalita. sa tatlong segundong nagkaharap kami, ang nasabi ko lang ata eh "ah, hehe...". ungas.

pero simula nun, tuwing magkakasalubong kami, ngitian na at panay ang hi-hello sa isa't-isa. di namin alam na yung second break at lunch namin sabay pala. pano naman, sa loob ang tambay ko. si jef, sa labas dahil nagyoyosi siya. nung nadiskubre namin na sabay pala kami ng break schedule, palagi na kaming nagsasabay, tambay sa labas at kuwentuhan, tawanan.

dun ko nalaman na napakabait palang tao ni jef. hindi mahirap gumaan yung loob mo sa tao. hindi dahil sa ganda niya o itsura. mas maganda pala yung ugali niya. marunong makisama. tas hindi pala maarte. ganun pala yun noh, bakit pag maganda yung balat ng tao napagiisipan agad na maarte. hindi talaga ganun so jef. sobrang bait.

samantala, di ko naman masisi si armi kung bakit ganun na lang yung selos niya. hindi naman sa may ginagawa kaming masama ni jef, pero natural lang siguro ang reaksyon ng tao. pinakilala ko si jef sa kanya, pero lalong nagselos nung nakita niya. mga isang linggo pagkatapos nun, tumawag sa akin si jef. umiiyak. naghiwalay daw sila ng bf niya. ang hirap nun, nagaaway kami ni armi nung tumatawag siya. so di ko masyado nakausap yung tao. galit na galit si armi. sa dami ba naman daw ng kakilala ni jef, bakit ako pa yung tinatawagan. hindi ko na pinatulan. di ko rin alam yung sagot eh. di rin tumagal, nag-resign si jef sa amex para ituloy yung pagiging model niya. hindi na kami nagkausap o nagkita. nagpalit siya ng number, at umalis na rin ako nun sa amex at napunta sa apac.

nakachat ko si cee-jay nung mga september. ang tagal din namin di nakapagusap, lagpas isang taon din. pag-alis ko kasi ng amex, nag-resign din siya dahil sa pagbubuntis. tinanong ko kung nakakausap pa niya si jef, matagal na rin daw hindi. may mga napagusapan sila ni jef nun na ngayon niya na lang puwedeng sabihin. gusto pala ako ni jef noon, hindi lang nagkatuluyan dahil nga kami pa ni armi. sayang. alam mo, nung nagchachat kami parang gusto kong maiyak sa inis. kung alam ko lang. kung alam ko lang talaga. tang ina!

masaya na si jef ngayon. inisip ko na huwag na rin siyang istorbohin o guluhin pa.

mas pinanghihinayangan ko yung pagkakaibigan namin ni jef. totoo yun. nakakataba man ng puso na kahit pala papano meron palang ganung klaseng babae na pwedeng magkagusto sa isang gunggong na katulad ko, siyempre mas piahahalagahan ko yung mga panahon na magkasama kami sa trabaho kahit sobrang iklilang nung panahon. hayyyyyy. buhay. talaga naman.

Linkreact ka?

"don't pick the flowers from your own garden." [Nov. 1st, 2008|06:50 pm]
[Current Music |i fall so deep - eol]


nung isang buwan ko lang sinabi sa sarili ko na ayoko sanang maging malamig ang pasko ko. pinagtatawanan ako ni ryan at ng mga kapatid nya na si alem at alvin dahil masyado ko raw inaalala yun. tama din naman sila. bakit nga ba? di nga naman kelangan maging malamig at malungkot, andiyan naman ang pamilya at mga kaibigan ko. kayakap ba kamo? andiyan naman yung unan kong manipis pa sa papel. ang nipis na, ambantot pa. daig pa nya yung aso diyan sa tapat namin.

ewan ko ba kung ano ang naisip ko at isa-isa kong iniiwasan yung mga "prospects" ko. di na ko nagpaparamdam sa text at wala na akong balak at gana. yung mga di seryoso, wala na. yung mga may potensyal na seryosohin, wala na rin. etong si numero uno sana, wala, suko na ko. ang dami masyadong issues sa buhay. si numero dos, di pa man din pormal na napapakilala sa akin, mukhang bo-malabs na. bagamat nagkikita kami sa opisina nun, di naman kami nakakapagusap. mukhang aayawan ko na din. bukod dun, mukhang masyado rin siyang busy sa trabaho nya. casual dating siguro baka ok pa, pero para umasa ako sa puwede maging isang maayos at seryosong relasyon? malabo ata sa ngayon. so ayoko muna. tsaka oo. ayoko muna. ayoko naman magsalita ng tapos, pero sa ngayon ayoko rin muna siguro. ah, onga pala. ayoko muna.

hangga't maaaring maiwasan ayoko na talaga ng taga opisina ko din. mahirap na. bukod dun, takot na din ako. sinira ko yung sarili kong patakaran pagdating sa dating, o ano napala ko? eh di nawala. nasaktan pa ko, sumakit lang ulo ko. ika nga ng mga scientific experts at philosophers at pati na rin ng mga prophets, "never shit where you eat". depende naman kasi talaga sa tao yan eh. seryosohin ang karapat-dapat.

sa ngayon, meron akong natitipuhan. ewan ko ba...baka mamaya na naman pagkatapos ng dalawang linggo ayoko na naman. tangina. para akong babae ah. eh ano ba talaga betong?

masaya rin naman ako sa ngayon, meron mang kasama o wala. kahit objective o subjective pa man ang pananaw mo sa ganyan, maiisip mo rin naman na kelangan mong hanapin ang sarili mong kasiyahan dahil wala namang ibang tao na makakapagbigay niyan sa'yo kundi ang sarili mo.

hindi magiging malamig ang pasko ko.

Linkreact ka?

mission: impossible? [Nov. 1st, 2008|06:41 pm]
[Current Music |baby i love your way - big mountain]


weekend na naman. grabe, ang bilis. november na.

hindi ko na rin masyadong iniisip ang mga bagay-bagay, kasi ang sarap ng di mo naiisip ang mga yan. problema lang dulot nun. ok na muna ko sa ganitong setup, para may oras ako para sa lahat ng tao at higit sa lahat, para sa sarili ko. yung sa trabaho naman, ayos na rin. tiis muna. mukhang malabo na yung sa tacloban, di ko ata kakayanin ang lumayo ng ganun. hinihikayat akong magapply sa alabang, malayo pa din, pero kung ikukumpara mo naman siyempre mas ok na. baka pag inantay ko magkaron ng opening dito sa cubao, di na ko umabot. sobrang bilis tumakbo ng oras ngayon, hindi mo mapapansin na andiyan na lang sa tabi-tabi ang february.

deadline ko yun.
Linkreact ka?

x marks the spot. [Oct. 31st, 2008|08:36 am]
[Current Mood | sobrang lungkot.]
[Current Music |one of these days/goodbye to you - michelle branch]

nakabalik na ko sa trabaho kanina. sarap din ng pakiramdam, nakakamiss din kahit papano.

natameme ako nang i-text ako ni armi at itanong kung tatanggapin ko pa siya sakaling bumalik siya dito.

aaminin ko, halos mailuwa ko yung puso ko nung nabasa ko yung text niya. yun nga lang, hindi sa tuwa. hindi rin naman sa galit. plastik naman ako kung sasabihin ko wala akong naramdaman. oo, may panahon nun na sobrang galit at sakit yung naramdaman ko nung naghiwalay kami. alam namin pareho na hindi naging maganda o maayos man lang ang paghihiwalay namin. biglaan e. at hindi man niya aminin ang buong istorya, alam ko naman. hindi na kailangan pa ipaliwanag o ikuwento ng kung sino man. nung umpisa ay todo yung denial ko, pero nung nanggaling na mismo sa kanya na hindi lang ako yung mahal niya, alam ko na.

kung tutuusin, pag inisip mo nga naman, ang bilis kong nakabangon mula dun. ang bilis kong nakalimot. hindi ko naman nagawa yun nang mag-isa eh. pero kasingbilis ng lungkot ko, eh yun din yung bilis ng pagkalimot ko. napatawad ko siya agad at naintindihan yung mga dahilan niya kung bakit niya ako iniwan ng ganun-ganun na lang.

lungkot yung naramdaman ko kanina. sobrang lungkot. di ko alam kung kanino ako mas maaawa, sa kanya o sakin.

lungkot, dahil gusto ko siya sigawan at murahin at duru-duruin. hindi galit, walang ganun. pero gusto ko siya sabihan ng putanginamo, gago ka, nakita mo ba yung putanginang sinayang mo sa ating dalawa. lahat ng pangarap ko, pangarap NATIN, sinira mo. hindi ka na nakuntento sa pagsira nun, pati puso ko, pagkatao ko, dinurog mo. wala na eh. di ko na alam kung anong mararamdaman ko. ilang beses ko na sinabi at naisulat ko na rin dito, kung gago ako at puso ko lang gagamitin ko, hindi ako magdadalawang-isip na sabihing oo, bumalik ka na, nagaantay ako. pero alam kong matalino ako, at kung gagamitin ko naman yung utak ko, alam kong wala na tayong pupuntahan. wala akong mapapala sayo. iniwan mo na ko eh. putang ina talaga. ang sakit ng pakiramdam. wala akong ginawa para gawin mo sakin 'to. mahal na mahal kita. minahal kita. pero sinira mo tiwala ko sayo. binalewala mo yung pagmamahal na bingay ko sayo. di pa ko sana tapos dun eh. ang dami ko pang gustong gawin at ipakita sayo. pero wala eh. iniwan mo ko. anong kasiguruhan na hindi na 'to mauulit? wala. walang wala. sobrang lungkot ko dahil kailangan pang umabot sa ganito. para mo lang malaman kung ano yung halaga ko sayo. nasa huli ang pagsisisi. malalaman mo na lang yung halaga sayo pag wala na sayo. di ba ikaw nagsabi nun nung iniwan mo ko? ibabalik ko na lang sayo. ikaw na din ang nagsabi, kung tayo talaga para sa isa't-isa, mangyayari at mangyayari din yun. ngunit hindi ngayon. sana maging masaya ka na. sana malaman mo na din kung ano ba talaga ako para sayo. ayokong habangbuhay mo dadalhin ito. ayoko. gusto ko maging ok ka na.

pero hindi ko kayang makasama ka para lang maging ok ka. ako naman ngayon. masaya na ko. ok na ko. kahit wala ka sa tabi ko, natutunan ko iyon nung umalis ka at hindi mo ko nabigyan ng kahit ano mang choice.

kaya ako malungkot. gusto ko maawa, pero sa huli ako din ang mas kawawa. huwag kang magkakamali ng iisipin. mahal kita, mahal pa din kita. malaki ang nabawas dun, pero hindi naman talaga nawawala yung buong pagmamahal na 'yon. nasanay na lang ako na di kita kasama, pero mahal pa din kita. kaya kong ibigay sa 'yo kahit anong tulong bilang isang kaibigan, at dahil na rin sa malalim ang pinagsamahan natin. pero hanggang dun na lang. ayoko nang bumalik sa nakaraan.

sana mahanap mo na yung hinahanap mong kasiyahan sa buhay mo nung umalis ka.
Linkreact ka?

amber is the color of your energy. [Oct. 30th, 2008|08:57 am]
[Current Mood | chillax na ulet.]
[Current Music |ocean drive - lighthouse family]


medyo ok na ko. ok naman kahapon, medyo napapaisip lang ako at nag-aalala sa sarili buhat nga nung mga issues ko sa trabaho. pero ok na nga. medyo naisip ko na yung pangsamantalang solusyon. relax na muna tayo. alisin na ang pagiging tensiyonado. bad vibes yun. di rin makakatulong yan.

dahil din sa M2M, nagdiskusyon kami ni chris kung talagang likas na magaganda nga ba ang mga norweigan. laking europe kasi si chris, at napagkasunduan namin ang aming euro dream vacation (kelan nga kaya matutuloy yan) at isa sa mga aming destinasyon ay ang norway at siyempre, and red light district ng amsterdam sa netherlands. yehey!

steady mode muna.
Linkreact ka?

iskulboy. [Oct. 29th, 2008|07:22 pm]
[Current Music |buong shades of purple na album!]


nababaliw na naman ata ako. bagamat alam ko na baka (sana) temporary madness lang ito, pag hindi ako umayos eh baka maging "permanent insanity" (kung merong ganun, imbento ko lang ata yun) ito.

sa isang di maipaliwanag na pangyayari - malamang eh sa sobrang kainipan at pagkabato ko kahapon. ang hirap talaga ng naiiwan mag-isa sa apartment - eh naisipan kong maghanap ng videos ng M2M sa youtube. o, baka umaandar na naman yang berde mong utak. hindi male-to-male action ang hinanap ko. yuck! kadire! oo, ayun na nga, yung female duo na galing norway na sumikat nung 2000.

grabe, ang tindi ng tama ko nun sa M2M. shet. hanggang ngayon pagnakikita ko sila kinikilig pa rin ako. schoolboy fantasy ko sila eh. nakakainis at nagdalaga na ang dalawa, hindi na sila kasing cute nun nung mga 16-19 taon pa lang sila (uunahan na kita, hindi ganun ang hilig ko, masyadong bata ang ganung edad sakin. pero may exceptions naman. kung kasing ganda ba naman ni marion raven at marit larsen, pwede na! hehe).bukod sa magaling kumanta (bubblegum girly pop nga lang, kung matitiis mo. di na bale, ang ganda naman nila eh.), marunong pa tumugtog ang mga bruha. putang ina talaga. shet. SHET! maging girlfriend ko lang sila, puwede na ko kunin ni Lord. ang laking gulat ko nun nung nalaman ko na nagdisband na sila eh nagdadalaga pa lang sila nun at dalawa lang ata yung nailabas na album. hindi ako nagkaroon ng pagkakataon nun na makita sila nung pumunta sila dito sa pilipinas. hayyyyy.

siguro kaya nga din ako nagkagusto sa best friend ko na si bianca nung nakilala ko siya nun. nag-audition sila ng best friend niya na si diana para sa music club, at ako yung gitarista nun. M2M yung kinanta nila. ay diyoskopo. tanginang yan. nawindang ang lolo mo. hahahahaha. pero nawala rin yun dahil alam kong wala pa ring kukumpara kay marion at marit ko.

hayyyyyy.

Linkreact ka?

pagod vs. katamaran vs. may sakit. [Oct. 29th, 2008|06:48 pm]
[Current Music |rearviewmirror - pearl jam]


dumarating ka din sa puntong iniisip mo kung bakit di ka makakilos. nakakapagod din pala. mapupunta ka na naman sa habangbuhay na tanong na bakit? pero alam mo din naman na walang sagot diyan.

hindi ko maintindihan kung bakit sa pangalawang pagkakataon, matapos kahapon, eh ayaw ko na naman pumasok. hindi sa ayaw eh. hindi rumeresponde yung katawan ko sa dinidikta ng utak ko. eh may sira na ata talaga ang ulo ko. wala namang masamang nangyayari sa trabaho, bukod na lang siguro sa hindi pa rin ako napo-promote, pero matagal ko na naisip yun eh. andiyan pa rin naman ang pagkakataon at siguro (sana) malapit na rin silang maghanap ng panibagong ~ahem~ alipin. yung titolong team leader eh alam naman nating lahat pampaganda lang yan.

so naisip ko, malamang hindi katamaran 'tong nararamdaman ko eh. ayoko isiping tinatamad na ako, petiks na nga lang ang ginagawa ko eh, tatamarin pa ko. bukod dun, kailangan ko yung pera. di naman ako mayaman para huminto sa pagtatarabaho. takot siguro? na baka mabinat? alam ko kakagaling ko lang sa sakit at ang totoo nga diyan, meron pa ring konti. matindi pa din ubo ko at alam ng katawan ko na hindi pa ako nasa 100%. baka iyon.

pero iniisip ko, baka pagod lang din talaga eh. ang sarap magpahinga. hindi ko gusto yung wala akong ginagawa. ayokong naiinip ako at kahit gustuhin ko man, hindi na rin ako sanay. so sigurado ako na hindi ako tinatamad.

ay naku. ewan ko ba. siguro sa mga oras na 'to kelangan ko na rin tapatan yung habambuhay na tanong sa aking paboritong panghabangbuhay sa sagot.

bahala na.
Linkreact ka?

ulan. [Oct. 28th, 2008|07:45 am]
[Current Music |my own summer - deftones]

nakakatamad talaga pag nasa labas ka o may lakad ka na pupuntahan tapos umuulan. badtrip.

buti na lang at hindi tumodo kundi malamang sakit na naman ang aabutin ko. uso pa naman. sumusunod pala ako sa uso! nakakainis! ayoko ng ganun. at sabi nga ng tunay na diyosa ng mga tato at kagandahan na si trina, wag daw magpapadaig. nagpadaig naman ako. sa bwisit na sakuna. pero wala tayong magagawa. pilitin mang iwasan, minsan tatablan ka talaga. laking gulat ko nang pagsakay ko ng jeep, eh biruin mo lahat kami sa loob nagmistulang mga uhugin. talaga naman. ayos! swerte ko at may sweater ako sa opisina na pinangtaklob ko sa ulo ko. 

------

kadalasan, nahahalintulad ang maulan na panahon sa pagiging malungkot ng isang tao. bakit kaya ganun. para sa akin, puwede rin namang maging masaya yun.  isipin mo, kung kasama mo pamilya mo, di ba ang sarap magsalo sa mesa at kumain habang umuulan? parang yung ad ng coke (buhay coke, buksan mo). o kaya naman himihigop ka ng masarap na sabaw (wow. nagutom ako bigla ah.). o kung kasama mo barkada mo, kahit anong oras pa ni hudas yan, ang sarap uminom at mag-relax habang nagkukuwentuhan kayo ng mga kabalastugan at kawalanghiyaan. tas may sounds sa background. yessss. ayos. steady lang!

siyempre, pinakamaganda sa lahat yung pag umuulan, nakahilata ka lang sa higaan mo at nakataklob ng kumot. mas magiging ok pa lahat yun pag may kayakap ka at.....ah, basta alam mo na yun, malaki ka na.

sarap din naman pag umuulan eh, lalo na pag inlab ka at kasama mo yung taong mahal mo. pag iniisip ko, nakakamiss din pala yung ganung pakiramdam. yung may kasama ka pag umuulan at wala na kayong pakialam sa mundo sa labas ng kuwarto mo. hay, ulan.

yun lang. bow.

Linkreact ka?

trabaho at tirahan. [Oct. 27th, 2008|07:10 pm]
[Current Music |trippin' on a hole in a paper heart - stp]

kasalukuyang kong pinagiisipan ang aking mga "options" sa trabaho. sa ngayon, priority ko pa rin ang apac. yun nga lang, nalalayuan na ko dito sa pasig at pinagiisipan ko talaga kung babalik ako ng cubao. ang laki talaga ng matitipid ko. yun nga lang, andun yung tatay ko at lola kong makulit. pano kaya? nagpe-presenta rin si ryan, ok din, kaso mas lalayo naman ako kasi sa fairview siya. good luck!

iniisip ko kung matutuloy pa ba yung offer ko sa accenture. 'di ko kasi hawak yung kapalaran ko dun. sabagay, meron din naman akong ibang pagpipilian. nagbabakasakali na lang ako dahil mag-aantay na lang ako hanggang february at pag di pa rin ako na-promote sa cubao, paniguradong aalis na ko. mahirap kalabanin ang pulitika dito. tang ina. ang dami pang kupal sa trabaho. pakyu kayo!

may kakilala ako sa teletech cainta na may opening daw para sa team leader. pati sa 24/7 sa makati. nakakatawa, parang naaalala ko 7-11 at ministop pag naririnig ko yang 24/7 na yan. labo.
 
mas malabo naman na lumipat ako sa bagong opisina ng apac sa tacloban. ok daw ang bigay, and siguradong team lead ako dun, kaso napakalayo naman. kung dun din naman ako pupunta, eh di babalik na lang ako sa singapore. hawak ko pa oras ko. pero ayoko talaga lumayo. hangga't maaari. di rin naman ganun kataas ang kita eh. 

bahala na.

Linkreact ka?

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]

Advertisement